Basti's Baloney Adventures Part 1 - ACET

Leave a Comment
Guys, make sure you pass the forms COMPLETE, or else hindi ipo-process ng Office of Admission and Aid yan. So hello, I am Rafael Bastillo, Senior. Anyway, yang naca-caption na yan, lalo na yung naka-capital, yung COMPLETE, huwag na huwag niyong kakalimutan yan. If ever na makalimutan niyo, well ikekwento ko sa inyo kung ano mangyayari sa inyo.

MONDAY - Medyo Chill Day

Last week of passing the ACET form, tapos ko nang i-fill up yung application form and the scholarship form (dont judge, mahal kaya Ateneo). What I was just waiting for was the certificate of employment ata yun, from my dad, who is working in Singapore. So after classes, I notified Sir Mike (our counselor) about that. Sabi niya, okay naman daw. So stay muna ng konti, usap usap, and then alis.

TUESDAY - Thanks sa Patience Mommy

I went again to the Guidance Office to see Sir Mike. Kasabay ko yung classmate ko, magpapasa na raw siya. So pasok kami sa office ni Sir Mike, as usual, madaming tao. Napansin ko yung envelope na may laman ng recommendation form nung kaklase ko, may signature yung nag recommend sa kanya dun sa may bukasan nung envelope, napasabi ako sa isip ko Oh no, pwede kaya tong sakin? Well, wala kasing signature. I asked Sir Mike if pwede, but HINDI. Ang masama, yung nagrecommend sakin, nasa Makati, yung mom ko nasa BGC (siya kasi nagparecommend). Sabi ko Patay ako kay mommy nito. Pag-uwi ko, lambing lambing muna tapos sabi ng bad news. As expected, from good, naging bad mood si mommy, and na bad word din ako.

WEDNESDAY – Hell Day

Nakausap ko si mommy, sabi ko sakanya, siya na lang magpasa nung recommendation form ko if okay na pati yung certificate of employment if dumating na. Pumunta ulit kay Sir Mike para i-notify siya na si mommy na lang magpapasa nung recommendation and certificate. Sinabi ko na rin na ipapasa ko na rin form ko since yun na LANG ang kulang sa form ko. May kasabay din ako na magpapasa, nagtanong si Sir Mike, nasaan yung ACKNOWLEDGEMENT SLIP/FORM. Napatanong ako, Sir, ano itsura nung Acknowledgement form? Sabi niya Yung maliit na papel, yung parang ONE-FOURTH Napalunok ako nang sinabi ni Sir yan, hinanap ko sa envelope ko na nakalagay yung form ko. Aba, wala akong nakita. Nilamig ako nun, subra subra. Napatanong ako kay sir Ah sir, tawa kunwari Kailangan ba yun sa application process? Ahehehe Sabi ni sir Oo naman Basti, bakit, ano meron? Patawa face pa rin pero kunwari lang Sir, nawawala yung akin eh, hehehe BOOM! Kailangan ko raw yun para ma-process yung application form ko. *Facepalm*

Tinanong ko si sir, Ah sir, may extra ka bang ganun? (sa UP kasi may extra forms siya) Ang kaso, WALA DAW, PATAY KA BASTI. So I asked again, Sir, where can I get one? Diretsong sagot ni Sir Sa OFAD. Saan daw? Tinanong ko Saan yun sir? Isa pang diretsong sagot Sa Ateneo WAIT WHAT?!?!?! PUPUNTA AKO SA ATENEO PARA DUN?!??? Yes Basti. SHIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIZZZZZZZZZZZZZZZZ.

WEDNESDAY PART 2 - Adventure time!

Nandun parin ako sa office ni Sir, nagaabang ng kadamay. Tanong ako ng tanong, parang baliw, Meron ka ba nung Acknowledgement Slip? Karamihan meron, isa o dalawa lang ata wala. Niyaya ko Punta tayo Ateneo, kukuha ako eh Pakuha na lang daw sila sakin. Sa isip ko Sumama ka kung gusto mong makakakuha!” Since wala na akong pwedeng gawin, hindi na pwede sa sa Thursday and Friday. Bakit? Retreat namin. So I really need to test my clutch skills. So right after dismissal, diretso ako Shang para maghintay ng taxi at pumunta ng Ateneo. Pagdating pa ng Katips, sobra, as in SOOOOBBBBRRRAAAAng traffic. Inabot ako ng 45 minutes. So pagpasok ko ng Ateneo, I was like Hmmm, lemme see if Conyo nga talaga tao dito I started walking sa building na kaharap nung field, I asked one student/professor (mukang estudyante, professor kung mag-english) “Hi! Umm, where can I find Kostka Hall? Aba, mabilis to mag-english, pinakinggan ko lang talaga yung directions Go straight, then turn left when you see the ATM Machine Oh okay, thank you. Eto namang student/prof na ito, pareho lang din pala daan namin, di pa ako sinamahan. So FINALLY, I FOUND IT. Pagbukas ko ng pintuan, HAY SALAMAT, parang gates of heaven. Anyway, dumiretso ako sa parang receiving area nila. Sabi ko Hi, u-Pinutol yung sinasabi ko ng isang tao dun Hi, will you buy an application form?Sabi ko naman Not really the whole application form, but a tinny part of it. The acknowledgement slipSabi nung isa dun, No need to pay for it, how many will you be needing?Sabi ko dalawa, yung isa para sa kaklase ko na nawala din pero binigyan naman ako ng pamasahe, kaya okay, kuhanan ko na rin siya. So pagkakuha, upo sa chair, lagay nung slip sa clearbook ko, pinasok ko na sa sleeve, baka mawala pa, balik gamit, and finally, LAYAS. HAY SALAMAT SA DIYOS NA KINAYA KO ANG ARAW NA ITO.

MORAL OF THE STORY?
1. HUWAG BURARA, keep your things in one place na madaling hanapin.
2. GIVE BACK WHATS GIVEN TO YOU, In College Forms case, make sure na kung ano ibinigay sayo, yun din ang ibalik mo.
3. MATUTONG MAGCOMMUTE, Promise, kakailanganin mo ito.
and  4. SMILE, Be positive, kakayanin mo yan. Walang namang nawawala kung ngingiti ka.